INAWARD sa Gilas Pilipinas Girls ang 20-0 win kasunod ng Forfeiture mula sa Syria para makumpleto ang group stage sweep sa 2024 FIBA under 18 Asia Cup Division B, sa China.
Malinis ang naging record ng Gilas Girls sa ilalim ni Coach Julie Amos, na nakapagtala ng 3-0 win-loss card sa Group B para opisyal na makakuha ng spot sa Semifinals ng Torneyo..
Batay sa FIBA Website, hindi nagpakita ang Syria matapos ma-forfeit din ang kanilang mga laro laban sa Lebanon at Maldives, kaya disqualified na sila sa tournament kung saan malalaman ang koponan na aabante sa 2026 FIBA under 18 Women’s Asian Championship.