PINABULAANAN ng aktor na si Dominic Roque ang tsismis na nagde-date na sila ni Kathryn Bernardo.
Kasunod ito ng pag-post ni Dominic ng mga litrato sa Instagram, kabilang ang picture na kasama niya ang aktres habang nag-e-exercise.
Nag-viral ang litrato at umusbong ang mga espekulasyon mula sa netizens na maaring nagde-date na ang dalawa.
Gayunman, sa comment section ng post, agad tinuldukan ni Dominic ang mga alingasngas, sa pagsasabing kapatid lang ang tingin niya kay Kathryn.