SINIMULAN na ng Local Government Units sa Metro Manila ang pagbebenta ng bigas na 33 hanggang 35 pesos per kilo mula sa buffer stock ng National Food Authority (NFA) kasunod ng deklarasyon ng Food Security Emergency.
Isandaan limampunlibong sako ng bigas ang inisyal na inilaan sa Metro Manila, subalit maari pa itong dagdagan depende sa demand.
Kada sako ay mabibili sa halagang 1,650 pesos o 33 pesos per kilo, subalit maari itong ibenta sa mga consumer ng hanggang 35 pesos per kilo.