SINIMULANG durugin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 2.1 billion pesos na halaga ng mga iligal na sigarilyo sa labindalawang lugar, kahapon at tatagal ito hanggang sa biyernes.
Ayon sa BIR, kabuuang 14.3 milyong pakete ng sigarilyo na may tax liability na tinaya sa 6.4 billion pesos at cigarette-making machines ang wawasakin ngayong linggo.
ALSO READ:
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Magsisilbing primary destruction hub ang Digama Waste Management Services sa Porac, Pampanga.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui jr. Na ang pagwasak sa illicit goods ay patunay ng commitment ng ahensya sa paglaban sa iligal na kalakalan at proteksyon sa mga lehitimong negosyo.
