18 March 2025
Calbayog City
National

Ilang Chinese POGO workers na dineport, nakatakas habang nasa biyahe, ayon sa PAOCC

ILANG Chinese POGO workers na pina-deport matapos maaresto sa bansa ang nakatakas habang nasa biyahe pabalik ng China.

Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio, na marami silang natanggap na reports hinggil sa pagtakas ng mga Chinese.  

Bunsod nito, hiniling ni Casio sa Bureau of Immigration na huwag silang maglabas ng implementation order kapag ang ticket ng dayuhan ay mayroong layover.

Aniya, hindi na kailangan ng layover dahil may direct flights naman mula pilipinas patungong China, at ginagamit ang pagkakataon na ito ng POGO workers para tumakas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).