KABUUANG 5,557 terrorism financing cases ang natukoy simula 2020 hanggang 2024.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), kabilang dito ang anim na indibidwal na na-convict mula sa 14 counts ng terrorism financing charges.
Inilabas ng DOJ ang datos, matapos maalis ang pilipinas mula sa “grey list” ng financial action task force (FATF) laban sa money laundering at terrorism financing.
Inihayag ng ahensya na umabot sa 1,816 ang bilang ng terrorism financing investigations habang 1,031 terrorism financing informations ang ni-refer para sa karagdagang aksyon. Pitumpu’t isa naman ang naaresto bunsod ng terrorism financing activities at 237 terrorism financing prosecutions ang sinimulan.