21 August 2025
Calbayog City
National

NFA, magbebenta ng 20 pesos na bigas sa mga rehistradong magsasaka simula sa kalagitnaan ng Agosto

BUBUKSAN na sa mga rehistradong magsasaka sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng Department of Agriculture ang 20 Pesos Per Kilo Rice Program ng pamahalaan.

Ayon sa DA, simula sa Aug. 13 ay maari nang lumahok ang RSBSA-Registered Farmers sa “Benteng Bigas, Meron Na!” Program.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na marapat lang na magkaroon ng access sa benteng bigas ang mga nagtatanim ng palay na ginawang available sa Vulnerable Sectors, pati na sa Minimum Wage Earners.

Ang 20 Pesos Rice Program para sa RSBSA-Registered Farmers ay ilulunsad sa mga rehiyon ng Cagayan Valley at Central Luzon sa susunod na buwan.

Sa tala ng ahensya, nasa dalawa punto siyam na milyong magsasaka ang naka-rehistro sa ilalim ng RSBSA.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).