INANUNSYO ng Land Transportation Office-Calbayog District na magpapamahagi sila ng libreng plaka ng motorsiklo sa mga kwalipikadong Private Motorcycle Owners sa Calbayog, sa Aug. 8, sa City Hall Rectangle.
Sa liham na naka-address kay Mayor Raymund “Monmon” Uy, sinabi ni LTO-Calbayog Chief Jelmar Badion, na saklaw ng distribusyon ang mga motorsiklo na naka-rehistro simula 2014 hanggang sa kasalukuyan, Subject sa Proper Documentation Verification.
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Binigyang diin ni Badion na Completely Free of Charge ang Plate Distribution.
Magdala lamang ang mga may-ari ng motorsiklo ng kopya ng kanilang Official Receipt and Certificate of Registration para sa Verification.
Ang naturang hakbang ay alinsunod sa diretikba ng LTO na pabilisin ang pagre-release ng Motorcycle Plates upang maresolba ang umiiral na Backlogs.
