TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (caap) sa mga biyahero na wala nang kanselasyon ng flights sa Tacloban Airport bunsod ng Discrepancy sa Precision Approach Path Indicator (PAPI).
Sinabi ni CAAP Eastern Visayas Area Manager Danilo Abareta na naayos na nila ang problema sa PAPI at ang tanging naapektuhan ay dalawang panggabing flights ng Philippine Airlines patungong Cebu at Manila, at isang Manila-Bound Air Asia Flight noong Lunes.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Binigyang diin ni Abareta na temporary lamang ang Cancellation of Flights at agad namang nakumpleto ang Corrective Maintenance ng PAPI Lights sa Runways 18 at 36.
Ang PAPI Discrepancy ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang mga ilaw sa PAPI System ay hindi accurate na nag-re-reflect sa posisyon ng eroplano na mahalaga sa para sa Ideal Glide Path sa kanilang paglapag.
Kabilang sa posibleng dahilan nito ay maling PAPI Settings, Physical Obstructions, o maging Human Error.
