WALANG na-monitor ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na anumang epekto sa pampublikong transportasyon ang nationwide strike laban sa PUV Modernization ng pamahalaan.
Sinabi ng LTRFRB na wala silang idineploy na units para sa libreng sakay na tutulong sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada.
Gayunman, kinuwestiyon ni Manibela President Mar Valbuena na kung sapat na ang mga naka-consolidate, bakit kailangang magsuspinde ng klase at magbigay ng libreng sakay.
Kahapon ay sinimulan ng transport groups na Piston at Manibela ang kanilang dalawang araw na tigil-pasada upang tutulan ang April 30 deadline para sa consolidation ng jeepney drivers at operators sa ilalim ng PUV Modernization.