30 October 2025
Calbayog City
National

Napaulat na nasawi sa Mindanao dahil sa masamang panahon, umakyat na sa 8

UMAKYAT na sa walo ang napaulat na nasawi sa Mindanao bunsod ng masungit  na panahon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa latest report ng NDRRMC, naapektuhan ng mga bagyong Carina at Butchoy, pati na ng southwest monsoon o habagat, ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pito katao ang kumpirmadong patay na pawang lahat ay mula sa Mindanao, kabilang ang apat sa Zamboanga at tig-iisa sa Northern Mindanao, Davao, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Isa pa ang napaulat na nasawi sa BARMM na kasalukuyan pang bina-validate.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.