22 November 2024
Calbayog City
Metro

Nakolektang multa ng LTO sa NCR, lumobo ng mahigit 200 percent sa unang quarter ng 2024

PCG

LUMOBO ng halos 205% ang multang nakolekta mula sa mga lumabag na motorista sa Metro Manila, sa unang quarter ng 2024 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa Land Transportation Office – National Capital Region, kabuuang 26,498,535 pesos ng government revenue ang nakolektang multa simula Enero hanggang marso ngayong taon.

Umabot sa 10,488 na mga motorista ang nahuli bunsod ng iba’t ibang traffic violations, kumpara sa 3,662 na naitala sa unang tatlong buwan ng 2023.

Karamihan sa traffic violations ay kinasasangkutan ng unregistered motor vehicles at driving vehicles with defective accessories, devices, equipment, o parts.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *