22 November 2024
Calbayog City
Metro

Nag-viral na typographical error na signage sa LRT-1 station, naitama na

typogrpahical error

Naitama na ang nag-viral na typographical error na signage  sa LRT-1 UN Avenue Station.

Noong nakaraang linggo ay kumalat sa online ang maling spelling ng “Investigation” sa NBI, na sa halip na “i” ay “a” ang nakalagay sa karatula.

Umani ito ng sandamakmak na komento mula sa mga commuter at netizens sa iba’t ibang social media platforms.

Pinuri naman ng netizens ang Light Rail Manila Corporation kung paano nila hinarap ang naturang pagkakamali, sa pamamagitan ng matalino at pabirong paraan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *