PATAY ang isang empleyado ng Local Government ng Midsalip sa Zamboanga Del Sur, matapos pagbabarilin, pasado ala singko ng hapon, kahapon.
Kinilala ang biktima na si Rommel Bendicion, limampu’t tatlong taong gulang, municipal assessor, at residente ng barangay Timbaboy.
ALSO READ:
Batay sa police report, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima, kasama ang kanyang misis, nang pagbabarilin sa Barangay Poblacion B.
Ayon sa mga testigo, nakasuot ang gunman ng kulay berdeng kapote at tumakas sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki.
Naglunsad ang Midsalip Municipal Police ng Hot Pursuit Operation at hiniling sa mga awtoridad sa mga katabing bayan na tumulong sa manhunt.




