SINALAKAY ng armadong kalalakihan ang isang simbahan sa nigeria, na ikinasawi ng dalawa katao.
Ayon sa pulisya at mga testigo, dinukot din ng gunmen ang pastor at ilang mga deboto.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Nangyari ang pag-atake sa Eruku, isang bayan sa Central Kwara State sa Nigeria, ilang araw matapos kidnapin ang dalawampu’t limang kabataang babae sa isang boarding school.
Inihayag ng opisina ni President Bola Tinubu, na ipinagpaliban ng pangulo ang plano nitong bumiyahe sa South Africa at Angola para sa G-20 at AU-EU Summits, upang tumanggap ng security briefings sa dalawang pag-atake.
Ipinag-utos din ng Nigerian president ang karagdagang security para matunton ang mga salarin sa Kwara, at gawin ang lahat upang masagip ang mga babaeng estudyante.
