18 May 2025
Calbayog City
Overseas

Muling pagbubukas ng Alcatraz Prison, ipinag-utos ni US President Donald Trump


INATASAN ni US President Donald Trump ang Federal Bureau of Prisons na itayo at buksang muli ang notoryus na Alcatraz Prison sa San Francisco Bay, na piitan ng pinakamasasama at pinakamararahas na kriminal sa Amerika.

Sa post ni Trump sa Truth social platform, nakasaad ang mga katagang “Rebuild, and reopen Alcatraz!”

Sinabi niya na noong mas seryosong nasyon pa ang Amerika, ay hindi sila nangingimi na ikulong ang mga pinaka-mapanganib na kriminal sa malayo upang hindi na makapagdulot ng kapahamakan sa sinuman.

Kabilang si Al Capone sa notorious US criminals na ikinulong sa Federal Prison sa Alcatraz bago ito isinara noong 1963.

Isa na ito ngayon sa most popular tourist destinations sa San Francisco.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).