NASAWI ang dalawang mangingisda sa salpukan ng motorbancas sa katubigan ng Bien Unido sa Bohol.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang dalawang mangingisda kapwa ay mula sa Malingin Island sa Bien Unido.
Isa sa mga ito ang dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.
Ang kasama naman ito na unang napaulat na nawawala ay narekober kinalaunan ng Search-And-Rescue Team mula sa naturang bayan.
Lumitaw sa pagsisiyasat na tumakas ang mga lalaking sakay ng kulay pulang motorbanca matapos mabangga ang sinasakyang bangka ng mga biktima.