PINAYAGAN ng Movie and Television and Classification Board (MTRCB) ang Special Review Rates para sa Restored Filipino Films para makatulong sa pag-preserba at pagsusulong ng Cinematic Legacy ng bansa.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 06-2025, na nag-amyenda sa Memorandum Circular No. 03-2016, ang bagong polisiya ay bahagi ng hakbang ng MTRCB na isulong ang Filipino Cultural Identity at Artistic Legacy sa pamamagitan ng pelikula.
Mula sa 8,862.75 pesos, ang bagong Special Rate na 3,500 pesos ay Applicable para sa Review ng Restored Films.
Ang Trailers at Related Publicity Materials ay dapat i-assess sa umiiral na Rate sa panahon ng Review.