Plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) na bilhin ang 35 percent stake ng mga Ayala sa operasyon ng Light Rail Transit line 1 (LRT-1).
Ito’y upang palakasin pa ang kanilang portfolio para sa posibleng bidding sa ibang railways.
Sinabi ni MPIC Chairman Manny Pangilinan na desidido silang i-acquire ang shares ng Ayalas sa Light Rail Manila Corp. (LMRC) upang maging majority owner, sa pamamagitan ng 70.8 percent share.
Ang LMRC ang nag-o-operate sa LRT-1 na isa sa pinaka-abalang moda ng transportasyon sa Metro Manila na planong palawakin hanggang Cavite.