PUMALO sa 1.23 Million Units ang mga naibentang motorsiklo sa simula Enero hanggang Agosto.
Ayon sa Motorcycle Development Program Participants Association, Inc. (MDPPA), mas mataas ito ng 11.8% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Sinabi ng MDPPA na umabot ang kanilang August Sales sa 133,689 Units na mas mataas ng 18.4% kumpara sa kaparehong buwan noong 2024.
Inilarawan ng grupo ang Philippine Demand bilang “Sustained” dahil sa Affordability at Practicality ng kanilang mga produkto, sa harap ng patuloy na pagsisikip ng mga lansangan.




