LOOKING forward ang Filipina tennis star na si Alex Eala na pangunahan ang kampanya ng Pilipinas sa Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Thailand sa Disyembre.
Sinabi ng bente anyos na Pinay na ito ang kanyang ikalawang SEA Games at Excited siyang makasama ang buong Philippine team sa pagsabak sa palaro sa pinakamataas na lebel.
ALSO READ:
Una naglaro si Eala sa 2021 Vietnam SEA Games kung saan nasungkit niya ang tatlong Bronze Medals mula sa Singles, Mixed Doubles, at Team Events.
Huling nanalo ang Pilipinas sa Women’s Singles sa Brunei noong 1999, sa pamamagitan ni Maricris Fernandez.
Sa kasalukuyan, si Eala ay No. 54 sa Women’s Tennis Association (WTA) Rankings, na kanyang Career-Best matapos maglaro sa tatlumpung Tournaments.




