UMAKYAT ng sampung porsyento ang total outstanding debt ng pamahalaan hanggang noong katapusan ng Nobyembre ng nakaraang taon kumpara sa kaparehong buwan noong 2023.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, umabot na sa 16.090 trillion pesos ang utang ng bansa, as of Nov. 2024, mas mataas ng 10.9 percent mula sa 14.508 trillion pesos noong Nov. 2023.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ayon sa Treasury, tumaas ang utang bunsod ng net financing at epekto ng paghina ng piso kontra dolyar.
Naitala sa 10.921 trillion pesos ang domestic debt habang 5.169 trillion pesos ang utang sa foreign creditors.