KUNG unopposed o walang katunggali ang ilang mga reelectionist officials sa ibat-ibang munisipyo sa lalawigan ng Samar, may humamon naman kay Calbayog City Mayor Raymund “Monmon”, ito ay sa katauhan ni former City Councilor at former Board Member Ina Rabuya.
Mag-aalas-Kuwatro ng hapon ng Martes, October 8, 2024 nang humabol si Rabuya kasama ang iba pang mga kakandidato sa pagka konsehal sa ilalim ng Partido Liberal sa tanggapan ng COMELEC Calbayog para magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy.
Catarman, Northern Samar, idineklarang ‘Insurgency Free’
DPWH, humihirit ng 140 million pesos na Repair Fund para sa Calbiga Bridge sa Samar
19.5K seafarers, sinanay ng National Maritime Polytechnic sa unang 9 na buwan ng 2025
Malawakang pagbaha at Landslide, naitala sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas
Kasama sa lineup ni Rabuya sina Luzvimimda Ganchorre; Roberto Galang; Christie Maghacot-Gan; at Cesar Sabenecio bilang independent candidate. Sila ay tatakbo bilang konsehal.
Wala namang kayunggali si vice mayor Rex Daguman na reelectionista sa pagka-bise alkalde ng Calbayog.
Ayon kay Mayor Mon, paplanuhin pa rin nila ang magiging istratehiya sa pangangampanya bagaman at unopposed an ibang mga posisyon.