MAGBABALIK sa bansa ang British-Albanian Pop Star na si Dua Lipa sa Nov. 13 para sa kanyang “Radical Optimism Tour” sa Philippine Arena, sa Bocaue, Bulacan.
Ayon sa Concert Producer na Live Nation Philippines, magsisimula ang ticket sales sa June 10 para sa LNPH Presale at June 11 naman para sa General Sale.
ALSO READ:
TV Host Bianca Gonzalez, dismayado sa mas mahal na travel cost sa Siargao kumpara sa ibang bansa
Claudine Barretto, inakusahan ng kidnapping ang kanyang personal assistant
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Bukod sa Pilipinas, nakatakda ring mag-concert si Dua sa iba pang cities sa Asia, gaya sa Tokyo, Taipei, Kuala Lumpur, at Bangkok sa Nobyembre, at Seoul sa Disyembre.
Huling nag-perform sa Manila si Dua noong 2018 sa Mall of Asia Arena.
Nakilala siya sa kanyang hit songs, kabilang ang “Don’t Start Now,” “New Rules,” at “Levitating.”
