6 July 2025
Calbayog City
Metro

MMDA, naghahanda na para sa tag-ulan

INIHAHANDA na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng kanilang assets at equipment matapos ianunsyo ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan.

Ayon kay Engr. Michael Doce, chief ng Pumping Stations and Flood Gates Division ng MMDA, inalerto ng ahensya ang lahat ng kanilang personnel upang matiyak ang kahandaan ngayong rainy season.

Tiniyak din ni Doce sa publiko na maayos na gumagana ang lahat ng kanilang pitumpu’t isang Pumping Stations sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ng MMDA official na malaking tulong ang mga Pumping Station para mabilis na humupa ang baha.

Nanawagan din ito sa publiko na huwag magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig o estero dahil nakaaapekto ito sa kanilang equipment.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.