BINALAAN ng MMDA ang mga motorista kaugnay sa mga mensaheng naglalaman ng pekeng traffic violation.
Sa natanggap na impormasyon ng ahensya, ipinadadala ang mensahe sa email at na naglalaman ito ng umano’y traffic violation sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy o NCAP kasama ang proseso kung paano babayaran ang paglabag sa pamamagitan ng pag-click sa button.
81.6 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Pasay City
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Paalala ng MMDA, ang official email address ng MMDA na ginagamit sa pagpapadala ng e-mail ay ang “no-reply@mmda.gov.ph” habang ang “mmda_ncap” naman ang official sender para sa text message.
Ang Real-Time Notification ng NCAP ay wala ding payment links, walang reply to sender, walang SMS contact information at walang nakalagay na pangalan ng registered vehicle owner.
Paalala ng MMDA alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon at huwag i-click ang anumang link o button na ipinadadala sa kanilang e-mail para hindi ma-scam.
