IPATUTUPAD ang revised guideline sa towing at impounding operations sa National Capital Region (NCR) sa susunod na taon upang matugunan ang mga reklamo mula sa mga may-ari ng mga sasakyan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes, na kabilang sa mga babaguhin ang bagong taripa base sa distansya.
Bibigyan din ang mga driver at owners ng option kung nais nilang iuwi ang tumirik na sasakyan, sa halip na otomatik na i-tow patungo sa impounding area ng MMDA sa Tumana, sa Marikina City.
Ito ay upang maiwasan ang bigat ng trapiko at gastos sa bahagi ng driver o owner ng nasirang sasakyan.

					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
									


