NAGBABALA ang PHIVOLCS sa posibleng Minor Eruption sa Taal Lake sa Batangas bunsod ng tumaas na Seismic Activities ng Bulkan.
Sa advisory, sinabi ng PHIVOLCS na nakapagtala ang Stations ng Taal Volcano Network (TVN) ng Increase sa Real-Time Seismic Energy Measurement (RSAM) na may Continuous Volcanic Tremor simula kahapon ng umaga.
ALSO READ:
Kabuuang labinsiyam na Volcanic Quakes ang naitala ng TVN simula noong Sabado.
Bukod dito, inihayag ng State Seismologist na naobserbahan ang “moderate to voluminous plume” mula sa Main Crater ng bulkan, simula nang mag-umpisang tumaas ang RSAM.
Simula rin noong Hunyo ay naglalabas ang Bulkang Taal ng mabababang lebel ng Sulfir Dioxide, at nakapag-release ng average na 412 tons noong Biyernes.