Bibisita sa Pilipinas ang Minister of Foreign Affairs and Cooperation ng Democratic Republic of Timor-Leste na si Bendito Dos Santos Freitas, ngayong Aug. 19 hanggang 21, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Ayon sa ahensya, magpupulong sina DFA Secretary Enrique Manalo at Dos Santos Freitas para talakayin ang kasalukuyang estado ng bilateral at multilateral relationships sa pagitan ng Pilipinas at Timor-Leste, pati na ang palitan ng opinyon sa regional at international developments.
Mula nang maupo bilang Foreign Minister, ito ang unang official visit ni Dos Santos Freitas sa Pilipinas.
Ang Timor-Leste, na kilala rin bilang East Timor ay nakalaya mula sa Indonesia noong May 20, 2002.
Bago naman sakupin ng Indonesia, ang East Timor ay colony ng Portugal sa loob ng ilang siglo hanggang noong Nov. 1975.