NAGTIPON-tipon ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa Rizal Park sa Davao City noong sabado ng gabi, kung saan nagsindi sila ng mga kandila at nagsagawa ng prayer rally.
Tinaya sa animnaraang katao ang lumahok sa aktibidad na inorganisa ng hugpong sa tawong lungsod party.
ALSO READ:
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Binatikos ng grupo ang kamara dahil sa anila ay hindi patas na trato sa Office of the Vice President (OVP).
Nagpahayag ng matinding galit si vp Sara nang ipag-utos ng kamara na ilipat ang kanyang Chief of Staff na si Undersecretary Zuleika Lopez sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City mula sa house facility noong biyernes ng hatinggabi.
