LABINDALAWANG miyembro na ng New People’s Army ang sumuko sa Militar sa Eastern Visayas simula nang ilunsad ang inisyatiba na nag-uugnay sa pwersa ng pamahalaan at pamilya ng mga rebelde.
Ang mga pinakahuling sumuko sa pamamagitan ng Friends Rescued Engagement Through Their Families (Free Families) Project ay sina John Carlo Belicario ng General Macarthur at Marco Estil ng Borongan City, sa Eastern Samar.
Sina Belicario at Estil ay kapwa miyembro ng Squad 3, Apoy Platoon ng NPA-Eastern Visayas Regional Party Committee.
Sumuko ang dalawa noong miyerkules, apat na araw makaraang magbalik loob sa gobyerno ang tatlong rebelde, kasabay ng pagsurender nila ng tatlong 5.56mm m16 rifles at isang ak 47 rifle.