13 July 2025
Calbayog City
National

Mga opisyal ng Pilipinas at China, magpupulong sa Xiamen para talakayin ang Territorial Disputes 

IPAGPAPATULOY ng Senior Philippine at Chinese Diplomats ang pag-uusap sa Xiamen City, sa gitna ng panghihimasok ng china sa West Philippine Sea.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na magho-host ang China ng panibagong round ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) ngayong huwebes.

Tumanggi naman si Manalo na magbigay ng partikular na detalye tungkol sa gaganaping pulong sa Xiamen.

Magsisilbing kinatawan ng Pilipinas ang Deputy ni Manalo na si Foreign Affairs Undersecretary for Policy Ma.Theresa Lazaro.

Posibleng talakayin ng magkabilang panig ang territorial issues na may kaugnayan sa West Philippine Sea makaraang maispatan ang “Monster Ship” ng China sa Bajo De Masinloc at lumapit pa sa baybayin ng Zambales.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).