25 April 2025
Calbayog City
National

Suspek sa pagpatay sa isang Pinay sa Slovenia, hawak na ng mga awtoridad

HAWAK na ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa 27-anyos na pinay sa Slovenia.

Unang napaulat na ang pinay na si Marvil Facturan-Kocjančič ay pinatay ng kaniyang napangasawang Slovenian, ilang araw matapos ang pagdating niya sa nasabing bansa.

Sa pahayag ng DFA mariin nitong kinondena ang insidente.

Nagpaabot din ang ahensya ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.

Nangyari ang insidente noong Dec. 29 habang nasa bakasyon.

Tinukoy sa pahayag ng DFA na ang asawa ni Marvil na si ‘Mitja’ ang pangunahing suspek sa krimen. Ayon sa Philippine Embassy sa Vienna, ipinoproseso na ang repatriation sa mga labi ng pinay na biktima.

(DDC)

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).