20 May 2025
Calbayog City
National

Malakanyang, itinangging may kinalaman sa pagkakaalis ni Cong. Zaldy Co bilang pinuno ng Appropriations Committee ng Kamara

ITINANGGI ng malakanyang na may kinalaman ito sa pagkakaalis ni Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co bilang chairperson ng House Committee on Appropriations.

Sa ambush interview, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala itong opinyon sa naturang isipin, kasabay ng pagbibigay diin na ang nangyari ay sa diskresyon ng kongreso.

Inihayag ni Bersamin na “executive” sila, na tumutukoy sa separation of powers sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan.

Noong lunes, sa pagpapatuloy ng sesyon ng kamara, inaprubahan ang mosyon ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na nagde-deklarang bakante ang posisyon.

Sa hiwalay na statement, sinabi ni Co na bumaba siya bilang pinuno ng House Appropriations Panel bunsod ng health reasons.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).