18 January 2026
Calbayog City
National

Mga lumang stock ng bigas, balak isubasta ng NFA para lumuwag ang mga bodega

ISUSUBASTA ng National Food Authority (NFA) ang mga lumang stock ng bigas upang lumuwag ang kanilang mga bodega.

Ang tinutukoy ng NFA ay mga bigas na mahigit dalawang buwan na sa kanilang mga warehouse.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, makatutulong ang naturang hakbang sa ahensya upang magkaroon ng karagdagang espasyo para sa mga lokal na palay na kanilang bibilhin mula sa mga magsasaka sa gitna ng dry harvest season.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).