21 May 2025
Calbayog City
National

PCG, nagpadala ng sasakyang panghimpapawid para bantayan ang research vessel ng China malapit sa Batanes

NAGPADALA ang Philippine Coast Guard (PCG) ng aircraft para bantayan at tapatan ang isang Chinese research vessel malapit sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, naispatan ang Zhong Shan Da Xue 78.21 nautical miles northeast ng Itbayat.

Ilang ulit niradyuhan ng crew ng PCG islander ang barko ng Tsina subalit wala silang natanggap na tugon.

Idinagdag ni Tarriela na binigyang diin ng PCG Aviators sa kanilang radio challenge na walang otoridad ang Chinese Vessel na magsagawa ng Marine Scientific Research sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

April 7 nang magpadala rin ang PCG ng sasakyang panghimpapawid para tapatan ang Chinese research vessel.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).