PLANO ng Department of Transportation (DOTr) na bilhin ang mga lumang jeepney upang mabigyan ang mga operator at drivers ng karagdagang kapital sa pagbili ng bagong units para makasunod sa Modernization Plan ng pamahalaan.
Sinabi ni Bautista na posibleng simulan ng gobyerno ang pagbili sa End-of-Life Vehicles (ELVs) pagsapit ng 2025, sa sandaling makumpleto ng DOTr ang pag-aaral kung paano magpapatuloy sa programa.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Base sa timeline ng ahensya, ang pag-aaral para sa Proposed Vehicle Useful Life Buy Back Program ay gagawin sa unang quarter ng susunod na taon.
Ipinangako naman ng kalihim sa mga operator na ang kanilang ELVs ay bibilhin sa magandang presyo.
Pangunahing layunin ng programa na maalis na sa mga kalsada ang mga lumang jeepney upang hindi na magamit bilang colorum vehicles.
