Nagsagawa ng Automated Counting Machine road show ang Commission on Elections (Comelec) sa munisipalidad ng Lope de Vega sa Northern Samar.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kinailangang tumawid ng ilog ng mga kinatawan ng poll body para marating ang Brgy. Sampaguita sa nasabing bayan.
Pinangunahan ng election officer na si Olive de Guia ang pagsasagawa ng road show.
Sa pagdaraos ng ACM road show, binibigyan ng edukasyon at impormasyon ang mga residente sa paggamit ng makina upang maging madali na ito para sa kanila sa mismong araw ng botohan. Tiniyak naman ng Comelec na kahit ang malalayong lugar ay sisikaping marating ng poll body para makapagdaos ng voter education.