16 January 2026
Calbayog City
Business

Mga job scam, na-expose sa ‘Trabaho o Mabaho’ vlog

trabaho

Kwela ngunit makabuluhang vlog ang inilabas ngayong araw ni celebrity host Melai Cantiveros-Francisco sa kanyang official Facebook page at Instagram account kung saan inilarawan nito ang mga pangkaraniwan ngunit paulit-ulit na ginagamit na istilo ng panloloko sa mga manggagawa at mga naghahanap ng trabaho.

Unang na-expose ang mga job scam na “too good to be true offer” tulad nito: “Hired agad! Walang interview! Kita P50,000 kada linggo! Click the link below!”

Inexpose din ang modus na kung saan nanghihingi muna ng investment, deposito o paunang bayad ang mga scammer gaya ng alok na: “No work, easy money! Mag-invest ka lang ng P5,000 at mag-recruit ng lima!”

Maging sa mga nagnanais maging OFW (Overseas Filipino Workers) ay may paalala rin ang host na huwag agad maniniwala sa mga recruiter na nanghihingi ng placement fee lalo na at wala naman itong lisensya o tamang mga accreditation.

Hirit ni Cantiveros-Francisco sa mga job scam, mas mabaho pa ang mga ito kaysa bad breath.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).