LUMOBO ng 55 percent ang volume ng mga nahuling isda at ibinagsak sa mga regional fishports noong Mayo.
Sa report ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), umakyat sa 66,587.86 metric tons ang ibinagsak na mga isda sa mga fishport mula sa 42,814.9 metric tons noong May 2023.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ayon sa PFDA, ang dumaming huli ay sa kabila ng epekto ng El Niño at pagsisimula ng tag-ulan na maaring makaapekto sa mga isda at pangingisda.
Nakapagtala ang General Santos Fishport Complex ng deliveries na 34,747.19 metric tons, mahigit doble ng 15,788 metric tons noong nakaraang taon.
Tumaas naman ng 18.7 percent o sa 23,312.20 metric tons ang deliveries sa Navotas Fishport noong ikalimang buwan.
Sumunod sa may pinakamaraming deliveries ang Iloilo Fishport, Bulan Fishport sa Sorsogon, Lucena Fishport Complex, Zamboanga Fishport, Davao, at Sual sa Pangasinan..