8 July 2024
Calbayog City
Local

Mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Calbayog laban sa malnutrisyon, paiigtingin

NAGSAGAWA ng City Nutrition Council (CNC) ng Calbayog ng symposium sa “Nutrition in All Life Stages” upang mapalakas pa ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan sa paglaban sa malnutrisyon.

Isa rin sa mga paksang tinalakay sa symposium na ginanap sa CMO Conference Room ang pag-iwas sa teenage pregnancy.

Pinapurihan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang CNC sa pag-organisa, kasabay ng pagtiyak sa mga dumalo na mas ilalapit ng kanyang administrasyon ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga tao.

Tinalakay naman ni City Nutrition Council Action Officer, Dr. Roy Maribojoc ang pagsusulong ng magandang kalusugan at tamang nutrisyon, kabilang ang healthy lifestyle para sa lahat ng edad.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *