TINIYAK ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na lahat ng dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at Internet Gaming Licensees (IGLs) ay paaalisin ng bansa sa loob ng 60-araw.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr. na i-ban ang lahat ng POGO sa bansa.
Mga mambabatas, dumepensa sa paghawak ng Kamara sa impeachment laban kay VP Sara
DOTr, mahigpit na pinababantayan ang airport security screening officers
Paggunita ng Holy Week sa buong bansa, nananatiling generally peaceful, ayon sa PNP
Paglikha ng compassionate at nagkakaisang bansa, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Easter Sunday
Ayon kay Tansingco, ang mga foreign nationals na nagtatrabaho sa POGOs at IGLs, gayundin sa iba pang kahalintulad na service providers ay bibigyan lamang ng 59 na araw para makapaghanda na umalis ng bansa.
Sa pagtaya ng BI, nasa 20,000 foreign workers sa nasabing mga industrya ang palalabasin ng bansa sa susunod na 2-buwan.
Hindi na din aaprubahan ng BI ang mga nakabinbing aplikasyon at mga bagong aplikasyon ng visa para sa POGO at IGL workers.
Ayon sa BI Chief, mayroon silang hawak na listahan ng mga dayuhan na trabahador ng POGOs at IGLs na nakuha nila mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
