PINARANGALAN ng Philippine Coast Guard ang mga crew ng BRP Suluan sa katapangan na kanilang ipinakita sa insidente ng pangha-harass ng China sa Bajo De Masinloc.
Pinangunahan ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang pagbibigay parangal sa mga mga crew ng BRP Suluan sa seremonyang idinaos sa Pier 15, Port Area, Manila.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ayon kay Gavan napatunayan nila ang kanilang kakayahang panatilihin ang kapayapaan sa karagatan, kasabay ng paalala sa mga ito na manatili lamang kalmado sa lahat ng oras.
Ang BRP Suluan ay idineploy sa Bajo De Masinloc para magsagawa ng Maritime Patrol at sakay nito ang 43 indibidwal kabilang ang mga miyembro ng Coast Guard Medical Service, Maritime Surveillance Team, Coast Guard Special Operations Force, Angels of the Sea mula sa Coast Guard Weapons, Communications, Electronics and Information System Command, mga kinatawan ng media at tauhan mula sa Coast Guard Public Affairs Service