WALA pang nakikitang dahilan ang gobyerno para itaas ang ipinapataw na taripa sa mga imported na bigas.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto may bahagyang epekto ang pagbaba ng taripa sa bigas sa kita ng gobyerno, gayunman nananatiling matatag ang Revenue Collection ng bansa.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Simula noong nakaraang taon ay ipinatupad ng Malakanyang ang pagbaba sa sinisingil na taripa sa imported na bigas mula sa dating 25 percent patungong 15 percent na lamang para maibaba din ang presyo ng bigas at mapabagal ang Inflation.
Naniniwala din si Recto na malabong palawigin pa ang ipinatupad na 60-araw na Ban sa pag-aangkat ng bigas.
Sinabi ni Recto na ang layunin ng utos na suspensyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Rice Import ay para bigyang-daan ang panahon ng anihan ng mga lokal na magsasaka at matulungan silang makabawi.
Habang umiiral ang suspensyon sa pag-aangkat ng bigas, mas mauuna aniyang mabili ang mga ani ng mga magsasaka sa bansa.
