HINDI naabot ng mga bangko sa bansa ang Mandated Lending Quota para sa maliliit na negosyo hanggang noong katapusan ng Marso, batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Umabot sa 546.82 billion pesos ang Loans na ipinagkaloob ng Banking System sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa unang tatlong buwan ng taon, o katumbas lamang ng 4.63 percent ng kanilang Total Loan Portfolio na 11.82 trillion pesos.
Kapos ito sa 10 percent Overall Requirement sa ilalim ng Magna Carta for MSMEs.
Alinsunod sa batas, dapat maglaan ang mga bangko ng 8 percent ng kanilang Loan Portfolio sa Micro and Small Enterprises, at 2 percent sa Medium-Sized Businesses.