OPISYAL na ilulunsad ngayong martes, April 16 sa Basey, ang pinakabagong tourism offerings ng Samar, sa ilalim ng “Spark Samar” Campaign.
Kinabibilangan ito ng Tandaya Trail Tourism Circuit na matatagpuan sa mga munisipalidad ng Sta. Rita, Marabut, at Basey.
Tampok din ang Mabaysay Cultural River Cruise sa Basey at Secret Kitchens of Samar Gastronomy Tour.
Ang “Spark Samar” Campaign ay nakatututok sa pagpapalago ng turismo sa lalawigan, na nakasentro sa komunidad at mga tao, sa pamamagitan ng mayamang kultura, makapigil-hiningang tanawin, at malinamnam na lutuin.