TINUKOY ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-aaral na nagpapatunay na mas epektibo upang maiwasan ang mga pekeng pera ang bagong labas na polymer banknotes.
Iginiit din ng Central Bank na ang bagong disenyo ng polymer bills ay “smarter, cleaner and stronger.”
Ipinagtanggol din ng BSP ang kanilang desisyon makaraang umani ng pagpuna mula sa publiko, ang pag-aalis sa mga bayani mula sa mga lumang disensyo.
Ayon sa BSP, sampung counterfeits lamang ang natuklasan mula sa 825.4 million polymer money na nasa sirkulasyon ng redesigned 1,000-peso bill mula April 2022 hanggang Nov. 2024