13 October 2025
Calbayog City
Province

Mga bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority, nanumpa na sa kanilang mga tungkulin

NANUMPA na ang mga bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa harap ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.

Sa kanilang oath taking, nanawagan si Macacua sa mga bagong opisyal ng BARMM na magsilbi nang may integridad at isulong ang mga mithiin ng Bangsamoro people.

Sinabi pa ng BARMM chief na ang kanilang pinanumpaan ay higit pa sa pagpapatibay ng tungkulin, dahil simbolo ito ng kanilang hindi matatawarang dedikasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).