15 October 2025
Calbayog City
National

Melai sa Mutya ng Pasig Mega Market: ‘Amazing!’

amazing melai

‘Amazing!’ Ganyan inilarawan ni Melai Cantiveros-Francisco ang Mutya ng Pasig Mega Market sa pagbisita niya rito nitong ikaw-14 ng Marso.

“Bakit? Kahit anong oras may mabibili dito sa inyong market, diba?,” pagsasaad ni Melai sa kuhang Facebook live video ng 106 TRABAHO Partylist.

Napag-alaman niya mula sa pamunuan ng nasabing palengke na 24 oras palang bukas at may nagtitinda rito.

“Aside from that, yung CR [comfort room] ninyo andun lahat- meron tayong [para sa] PWD [persons with disability]. ‘pag mag-CR kayo, meron din CR ang babae, lalaki, at ang LGBTQIA++ at syempre, ang ating mga senior citizen kaya amazing! Amazing!”, segunda pa ng celebrity host.

Matapos rin ang pakikipag-usap sa mga nagtitinda ng karne bilang parte ng kanyang labor advocacy at pagsusulong ng mga batas na maaring ilobby para masolusyonan ang tumataas na presyo ng mga bilihin, bumili rin ng kasim si Melai. Sariwa umano ang mga nabili niyang karne sa Mutya ng Pasig Mega Market na ipang-uulam nila ng kanyang pamilya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).