3 November 2025
Calbayog City
National

Mayorya ng mga Pilipino, naniniwalang may mga problema ang demokrasya sa Pilipinas, ayon sa survey

MAYORYA o 64 percent ng mga Pilipino ang naniniwala na ang mga problema ng demokrasya sa Pilipinas ay bunsod ng korapsyon at fake news, batay sa non-commissioned survey ng Philippine Observatory on Democracy.

Ayon kay Ateneo School of Government Dean Philip Arnold Tuaño, na siyang nagprisinta ng resulta ng survey, 37% ng respondents ang nagsabing malaki ang problema sa demokrasya ng bansa habang 27% ang naniniwalang “minor” lamang ang mga isyu.

Sinabi ni Tuaño na 67% ng respondents ang sumagot na ang pinakamalaking problema na kinakaharap ng demokrasya ay korapsyon, at pagkalat ng fake news at disinformation.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).